OFWs MULA SA ISRAEL DUMATING NA

ofw

DUMATING na sa bansa ang 53 Overseas Filipino Workers (OFWs) na kabilang sa Voluntary Repatriation Program sa Israel .

Nabatid na  sumailalim sa Voluntary Repatriation Program (VRP) ng Population and Immigration Authority (PIBA) ng Israel ang nasabing bilang ng OFWs na nasa bansa na.

Kabilang sa naturang repatriates ang isang Filipina na may medical case , 6 na senior citizens , isang estudyante at isang sanggol.

Pawang mga binigyan ng Philippine Embassy sa Tel Aviv ng emergency travel documents ang mga ito.

Samantala, 36 pang Filipinos na nag-avail  voluntary repatriates program ng Israel ang dumating din sa bansa. LIZA SORIANO

Comments are closed.