OFWS NA MAY INBOUND FLIGHTS, TULUNGAN

Susan Ople

INATASAN  ni Department of Migrant Workers ( DMW) Secretary Susan Ople ang lahat ng DMW posts sa ibang bansa na i-monitor at tulungan ang mga oversease Filipino workers ( OFWs) na may inbound flights patungong Cebu dahil sa pagkansela ng flights.

Ipinag-utos din ni Ople sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na tulungan ang mga OFW na apektado ng eroplanong lumagpas sa runway sa Mactan Cebu International Airport (MCIA) nitong linggo.

Ayon kay Ople, batay sa OWWA, mayroong dalawang seafarers na sakay ng Korean airlines na nag-overshoot sa runway ng paliparan.

Pawang nasa maayos namang kalagayan ang dalawang OFWs.

Nauna nang iniulat na ligtas na nailikas ang 162 pasahero at 11 crew ng apektadong eroplano sa MCIA terminal 2. LIZA SORIANO