KUWAIT CITY – INABISUHAN ang mga traveler pa-Kuwait at siyam na iba pang bansa na magpakita ng health certificates bago pumasok sa kanilang bansa sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) outbreak.
Sinabi ni Directorate General of Civil Aviation Kuwait (DGCA), ginawa nila ang bagong requirement upang mapigilan ang paglawak ng kaso ng COVID-19.
Bukod sa Kuwait at Filipinas, kasama rin sa maghihigpit ang Azerbaijan, Bangladesh, Egypt, Georgia, India, Lebanon, Sri Lanka, Syria at Turkey.
Ang sinumang makapasok sa nasabing bansa na walang health certificate ay pauuwiin na lamang habang ang airline carrier ay pagmumultahin.
“In the event [that] the above (PCR) certificate is not carried, the passenger is prevented from entering the State of Kuwait and will be deported on the same carrier airline, without any financial costs incurred by the State of Kuwait, and the airline company will be fined for violating this circular,” sa pahayag ng DGCA.
Samantala, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na babagalan nila ang proseso sa overseas employment certificates (OECs) ng mga Pinoy na patungo sa Kuwait habang hindi naman aniya ito retaliatory response sa Kuwaiti employers.
Nais din ng kalihim na hindi dapat makadagdag sa bayarin ng OFW ang pagkakaroon ng medical certificate. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.