CHINA – DISMAYADO ang ilang overseas Filipino worker (OFW) sa kanilang pagbukas ng websites na may mga istorya hinggil sa coronavirus disease (COVID 19).
Ayon sa isang Joan Paquibot, isang OFW sa China, marami na ang nabiktima na mga OFW na nawawalan ng pera kapag bubuksan nila ang sites na hinggil sa coronavirus.
Dagdag pa nito, sa tuwing mapag-uusapan nila sa kanilang “group chat” ang nasabing sakit ay bigla na lamang nawawala ang nasabing chatbox at hindi na ulit magagamit pa.
Kaya naman mas nagiging maingat pa sila sa pagbukas ng mga sites dahil sa mga nabiktima ng modus na ito.
Sa kabila nito, nagpapasalamat din sila dahil mayroong mga empleyado ng konsulada ng Filipinas doon na nagbibigay sa kanila ng datos at mga impormasyon hinggil sa COVID-19.
Ibinahagi rin nito na mayroong tumitingin at nagmo-monitor sa kanilang mga OFW.
Sa ngayon, patuloy ang pakikipag-ugnayan sa kanila ng konsulada na mag-ingat dahil sa patuloy na pagkalat ng COVID-19. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.