OFWs NA SINIBAK DAHIL NAGPUMILIT MAG-DAY OFF TUTULUNGAN

Teddyboy Locsin

PASAY CITY – TINIYAK ng Department of Foreign Affairs (DFA) na handa ang pamahalaan na tulungang makauwi sa bansa ang mga overseas Filipino worker (OFW) sa Hong Kong na tinanggal ng kanilang mga amo dahil nagpumilit na mag-day off at lumabas sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) scare.

Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin, agad nilang ikakasa ang repatria­tion sa OFWs sa Hong Kong.

“We’ll prepare for their repatriation pronto. Deeply disgusted with HK [which] begged us to let domestic workers return to work,” tweet ni Locsin.

Kamakailan ay nakarating sa kaalaman ng kalihim na dahil sa pagpupumilit ng ilang OFW na lumabas ay tinanggal ang mga ito ng kanilang mga employer.

Kabilang sa tinanggal ay isang nagngangalang  Jennifer, 46-anyos.

Katwiran naman umano ng ibang employer na ayaw nilang palabasin ang kasambahay sa pangambang mahawa ito ng COVID-19 sa labas. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.