LABIS nang nag-aalala ang ilang nagbabakasyong overseas Filipino workers (OFWs) na matagalan pa ang kanilang pamamalagi sa Filipinas bunsod ng lumalalang kaguluhan sa nasabing bansa.
Sinabi ng isang Jualita Bautista, may mga kaibigan siyang nais nang makabalik sa Sudan ngunit na-hold dahil sa patuloy na kaguluhan.
Lumala pa ito matapos ang brutal armed crackdown ng military forces laban sa mga nagpoprotesta kung saan ikinamatay ng higit sa 50 katao.
Ilang bansa na rin ang sinuspinde ang flights ng airline companies papuntang Sudan.
Sa mensahe mula sa Philippine Embassy ng Cairo, Egypt sa Star FM Bacolod, patuloy nilang binabantayan ang kalagayan ng ating mga kababayan sa Sudan at bukas ang kanilang tanggapan sa katanungan ng mga pamilya ng mga overseas Filipino worker. AIMEE ANOC
Comments are closed.