CHINA – ILANG Filipino workers ang excited na dumaan sa tinaguriang world’s longest sea-crossing bridge na kamakailan ay binuksan sa publiko.
Dinaluhan ni Chinese President Xi Jinping ang opening ceremony ng nasabing tulay para sa publiko sa Zhuhai, China kasama ang ilang mga lider ng Hong Kong at Macau.
Ang $20-billion na tulay ay nagdurugtong sa Hong Kong at Macau patungo sa mainland Chinese City na Zhunhai.
May kabuuang haba ang tulay na 55-kilometers na itinayo sa loob ng siyam na taon at ito ay gawa sa 400,000 tonelada na bakal.
Ang hakbang ng China ay bilang bahagi sa kanilang programa na Greater Bay Area na mapaunlad ang lokal na ekonomiya na sumasakop sa 56,500 square kilometers (21,800 square miles) ng southern China.
Ang tulay na tinawag na bridge of death dahil 18 katao ang namatay habang ginagawa ito ay napakalawak kung saan madaraanan nito ang 11 siyudad, kung saan nakatira ang 68 million na residente. EUNICE C.
Comments are closed.