OFWs PA-HONG KONG NABUHAYAN SA NORMAL NA OPERASYON NG AIRLINES

PAL

PARAÑAQUE CITY – SUMIGLA ang ilang na-stranded na overseas Filipino workers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil back to normal na ang operasyon ng Philippine Airlines (PAL) at Cebu Pacific (CEB), partikular na ang papuntang Hong Kong matapos mahinto ang kilos-proteta roon at maging sa paliparan ng naturang Chinese territory.

Sa kabila nito, patuloy pa rin ang monito­ring ng pamunuan ng Philippine Airlines (PAL) at ng Cebu Pacific sa sitwasyon upang mai-update sa flying public ang sitawasyon sa Hong Kong sa kasalukuyan.

Ang mga naapektuhang mga pasahero sa mga nakanselang flight ay binigyan ng option for rebooking sa loob ng 30 araw o “to refund the cost of their ticket”.

Samantala, pinapayuhan ng dalawang airline companies ang mga Filipino na magtutungo sa Hong Kong na maging mapagbantay at mai­ngat partikular na sa kanilang mga kinaroroonan at iwasan ang mga lugar kung saan ginagawa ang mga rally. FROI MORALLOS

Comments are closed.