OFWs PA-SINGAPORE TATANGGAPIN KAHIT ‘DI BAKUNADO

NILINAW ng Department of Labor and Employment (DOLE) na maaaring makapasok ang Overseas Filipino workers (OFWs) sa Singapore kahit hindi pa bakunado.

Ayon sa DOLE, kasunod ito ng pagpapatupad ng mas mahigpit na quarantine protocols sa Singapore dahil sa tumataas muling kaso ng COVID-19.

Sinabi ni Labor Attaché Saul De Vries, hindi kasama ang COVID-19 vaccine sa arrival protocols sa nasabing bansa.

Gayunnman, lahat ng dumarating sa Singapore ay kailangang sumailalim sa 21-day institutional quarantine at tatlong beses na RT-PCR test.

Ayon kay De Vries sinuspinde din muna ng pamahalaan ng Singapore ang entry approval applications para sa mga dayuhang manggagawa sa ngayon.

Sa rekord ng DOLE, mayroong 200,000 na Filipinos sa Singapore, 180,000 dito ay pawang professionals, skilled workers, household service workers, healthcare workers, at mga nagtatrabaho sa service sector ng tourism at information technology industries. PMRT

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *