OFWs, PINAG-IINGAT SA ONLINE DATING SITES

DATING SITE

PINAG-IINGAT  ng  mga mambabatas ang mga Pinoy  lalo na ang mga kababaihan sa paglaganap ng  online dating sites.

Ayon kay ACTS-OFW Partylist Rep. John Bertiz, hindi ligtas ang dating sites para makahanap ng mga “potential partners” dahil naging pugad na rin ito ng mga human trafficker at sexual predators para sa paghahanap ng mga bibiktimahin.

Sinabi ng mambabatas na nagiging popular ang mga dating sites sa mga OFW para makaha­nap ng makakapareha pero hindi batid ng mga ito ang panganib na naghihintay sa kanila.

Inihalimbawa ni Bertiz ang nangyari sa tatlong Filipina na nasawi sa Cyprus kung saan inamin ng 35-year old Army Captain ‘serial killer’ sa nasa-bing bansa na pitong mga babae kasama ang ilang bata ang kanyang pinatay.

Umamin din ang killer na gumagamit siya ng sikat na online dating site para makahanap ng kanyang mabibiktima.

Babala ng mambabatas sa mga kababaihang OFW na mag-ingat sa mga makikilala sa online at hangga’t maaari ay iwasan ang mga ganitong social media sites.    CONDE BATAC

Comments are closed.