OFWs PINAG-IINGAT SA TENSYON SA MALI

DFA

PINAG-IINGAT ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa patuloy na pagtaas ng tensyon sa Mali.

Ayon sa DFA bunsod ito ng nagaganap na sitwasyon sa politika ng nasabing bansa.

Paliwanag ng DFA , kapag itinataas ang Alert Level 2 ay nangangahulugang mayroong banta sa buhay, seguridad at ari-arian ng mga Filipino sa bansa kung saan sila naroroon dahil sa internal disturbances, instability o external threat.

At sa sandaling mangyari ito, ang mga Pinoy ay pinagbabawalan sa anumang  non-essential movements, pinapaiwas  sa  mga  matataong lugar at pinaghandaan para sa evacuation.

Dahil dito, pinapayuhan ang mga Pinoy sa Mali na makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Rabat, Moro para sa karagdagang mga abiso at tumawag sa numero + 212-69402178 o sa pamamagitan ng email [email protected]. LIZA SORIANO

Comments are closed.