PINAYUHAN ng mga financial planner ang mga overseas Filipino worker (OFW) na huwag basta pumasok sa mga investment na may malaking pangakong interest sa maikling panahon.
Sakaling may mag-alok, tiyakin ang papeles ng mga ito at kung gaano na katagal ang kompanya.
Kung ito ay bago pa lamang subalit nangangako ng malaking interes at walang kahirap-hirap na payment sa una, dapat nang pagdudahan.
Ayon kay Argel Tiburcio, isang financial planner, makabubuting matutunan ng mga OFW ang tamang paghawak ng pera at paano ito gagastusin.
Hindi rin dapat pumasok sa isang investment na hindi kabisado habang maging bukas ang isipan para alamin ang red flag of scams.
Susi aniya para makaiwas sa mga panloloko ang financial education.
Hindi rin garantiya na kamag-anak o kaibigan ang mag-aalok dahil sa huli, hindi rin nito kayang sagutin ang katanungan ng mabibiktima kapag may aberya na hanggang mapagtanto na pareho na silang naloko ng investment scammer. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.