OFWs PINAYAGAN NANG MAKAALIS NG BANSA

Presidential Spokesman Harry Roque

PINAYAGAN  na ng gobyerno ang deployment ng mga overseas Filipino workers (OFW) maliban sa mga healthcare professional.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, binigyan na ng go signal ang land based at sea based OFWs na makapagtrabaho abroad bagamat kailangang magsumite ng declaration na batid nila ang mga panganib na dulot ng coronavirusdisease 2019 (COVID-19) pandemic.

Inatasan na rin ang mga tanggapan at ahensiya ng gobyerno na nagpoproseso ng papeles ng mga OFW na magtayo ng green lanes para sa mabilis na deployment ng mga nasabing OFWs. DWIZ882

Comments are closed.