OFWs SA BANGKOK NAKIBAHAGI SA MISA NI POPE FRANCIS

pope francis

THAILAND – MULING ipinakita ng Filipino ang pagiging maka-Simbahan nang dumalo sa misang idinaos ni Pope Francis sa Bangkok.

Umaabot sa 70,000 Filipino faithfuls ang nabigyan ng ticket para makadalo sa Holy Mass na pinangunahan ng Santo Papa sa National Stadium sa central Bangkok.

Kabilang sa nabigyan ng passes ay ang mga Filipino teachers na nagtuturo sa mga Catholic schools.

Bagaman mahigit sa 90% na mga Thai ay nananampalataya sa relihiyong Budismo na sumasamba kay Buddha ay naging mainit ang pagtanggap kay Poper Francis ng nasabing bansa. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.