PUMALAG ang China sa pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na posibleng magbago ang aktibidad sa mga Chinese gambling center at mauwi ito sa paniniktik.
Sa tinanggap umanong mensahe ng Malacañang ay kinukuwestiyon ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua ang pahayag ni Lorenzana.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nag-text si Amb. Zhao sa kanya at sinabing paano kung ang overseas Filipino workers (OFWs) na nasa China naman ang isipin nilang nag-eespiya sa kanila.
Dagdag pa ni Panelo, gusto lamang pawiin ni Zhao ang pangamba ng mga Filipino sa mga Tsinong nagtatrabaho sa casino.
Magugunitang noong Biyernes ay inihayag ni Lorenzana na hindi imposibleng magbago ang activities at posibleng mag-espiya ang Chinese workers na nasa mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hubs na nakatayo malapit sa mga base ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philip-pine National Police (PNP).
Nabatid na walang ma-samang intensiyon ang nasabing pahayag ng kalihim subalit kailangan umanong masilip kung may security threat sa likod ng mga nagsulputang gambling center ng China malapit sa AFP at PNP General Headquarters, ganoon din sa Villamor Air Base at sa nakatakdang gawing himpilan ng mga barko ng Philippine Navy sa Cavite.
Sinabi rin ni Panelo na maaaring ang nagiging problema ay masyadong ‘security conscious’ ang Filipinas.
“We are still verifying that,” ayon kay Lorenzana nang tanungin ito kung posible bang security risk ang POGOs.
“Having a POGO per se is not a threat to our security,” anang kalihim bagama’t may potential umano na magbago ang mga aktibidad sa mga Chinese gambling center at magamit ito sa pag-eespiya.
Dahil dito sinusuportahan ni Lorenzana ang planong ilagay na lamang ang mga gambling center sa mga hub malayo sa mga kampo.
Nasilip ng military ang mga POGO center na nasa sa Eastwood City at Araneta Center na malapit lamang sa Camp Aguinaldo, Armed Forces head-quarters sa Quezon City.
Mayroon din sa Resorts World, isang joint venture sa pagitan ng Alliance Global Group at Genting Hong Kong, na nakatayo sa bahagi na dating mili-tary camp malapit sa Villamor Airbase.
At ang itinatayo ngayong 32-hectare complex na tinawag na Pogo Island sa Kawit, Cavite, na malapit sa gagawing himpilan ng mga barko ng Philippine Navy.
Tinatayang nasa 138,000 Chinese nationals ang legal na nagtatrabaho sa mga local online gaming industry habang may 40,000 Chinese workers ang sinasa-bing mga unlicensed at nagsasagawa ng fly-by-night operations. VERLIN RUIZ