OFWs SA CHINA NAIS NANG UMUWI SA TAKOT NA MAHAWA NG COVID-19

BEIJING

BEIJING – NADARAGDAGAN pa ang overseas Filipino worker (OFWs) sa China na nais umuwi makaraang mawalan ng trabaho dahil sa Coronavirus Disease 2019.

Isang Pinoy restaurant worker sa Shengzen, China ang nagsabi na lock down pa rin ang halos lahat ng community doon at tanging mga rehistrado o may hawak na gate pass ang pinapapasok.

Wala na rin umanong pinagkakakitaan matapos magsara ang karamihang negos­yo dahil sa banta ng COVID-19 kung kaya nais na nilang umuwi.

Subalit, nangangamba ang OFW sa umano’y balita na tanging mga OFW lamang sa Wuhan ang isinasailalim sa repatriation ng gobyerno.

Dagdag pa ni Eheng na karamihan sa mga OFW sa China ay walang kaukulang mga dokumento. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM