CHINA – DAHIL sa nCoV scare, nakatengga at isang linggo nang hindi nakakapaghanapbuhay ang ilang overseas Filipino workers (OFWs) sa Kaifeng, Henan.
Ito ang hinaing ng ilan sa mga OFW sa nasabing lugar at inaming kinakapos habang wala na silang maipadala sa mga mahal sa buhay sa Filipinas.
Sinabi pa ng mga ito na dalawa na ang patay at mahigit 493 na ang tinamaan ng nCoV sa Henan province, na sa ngayon ay naka-lockdown ang naturang lugar para maiwasan na dumami ang bilang ng mga taong mahawaan ng virus.
Dahil dito apektado na ang trabaho, negosyo at transportasyon.
Dagdag pa rito, napakatahimik ang kanilang lugar dahil walang taong makikita sa labas at walang mga sasakyan na dumaraan. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.