OFWS SA HK NABAHALA SA PAGLIPAT NG KANILANG EMPLOYER SA IBANG BANSA 

HK

HONG KONG – ISA sa malaking alalahanin ngayon ng mga overseas Filipino worker (OFW)  na nakabase sa Chinese territory na ito ay ang posibilidad na lilipat ng tirahan sa ibang bansa ang kanilang mga employer.

Ito ay kaugnay nang tumitinding  kaguluhan partikular ang kilos-protesta sa Hong Kong na nagsimula noong inihain ang kontrobersiyal na Extradition Bill.

Ayon sa isang OFW, na kaniyang sinusunod ang advisory ng Philippine Consulate na hindi dapat sumali sa mga rally.

Pinayuhan din sila na kung hindi maiiwasang dumaan sa lugar na may kaguluhan, kailangang iwasan ang pagsusuot ng kulay puti at itim na T-shirt upang hindi na maulit pa ang nangyari sa isang OFW sa Mongkok na hinuli sa kanyang pag-uwi mula sa trabaho.

Paliwanag naman ng isang domestic helper na kapag napagdesisyunang lumipat ng ibang bansa ng kanyang amo ay mapuputol  na ang kanilang kontrata ngunit mananatili pa rin sila sa Hong Kong at kailangang maghanap na lang ng ibang employer. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.