OFWs SA HONG KONG LILIPAT SA IBANG BANSA KAPAG PUMASA ANG EXTRADITION BILL

hong kong

ISABELA – NANGANGAMBA ang ­ilang overseas Filipino workers (OFWs) na maapektuhan sila ng isinusulong na extradition bill ng mainland China.

Kaya naman nag-iisip na ang mga ito na lumipat ng ibang lugar kung saan sila maaaring maghanapbuhay.

Sinabi ng isang Catherine Entines Balisong, tubong Masbate, na ito ang dahilan kung bakit mariing tinutulan daw nila ang nasabing panukalang batas.

Marami aniyang manggagawang Pinoy sa Hong Kong ang natatakot sa magiging epekto ng panukalang batas kaya marami ang balak na lang umuwi sa Filipinas o kaya ay lumipat sa ibang bansa kapag naging batas ang extradition bill. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.