CAMP AGUINALDO – HANDA na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na i-deploy ang kanilang mga bagong biling barko at C130 planes sa Iran at Iraq.
Ito ay matapos ang utos ng Pangulong Rodrigo Duterte na kinakailangang ilikas ang mga Filipino sa dalawang bansa dahil na rin sa umiinit na gulo sa pagitan ng Estados Unidos at Iran dahil sa pagkakapatay ng Top Iranian General Qassem Soleimani.
Ayon kay bagong AFP chief of staff Lt. Gen. Felimon Santos Jr. naghihintay lamang sila ng go signal sa Malacañang at Department of Foreign Affairs (DFA) para i-deploy na ang kanilang mga asset.
Magiging prayoridad aniya nila ay ang paglikas sa mga Filipino.
Sa ngayon pinag-aaralan nila ang mga estratehiya na gagawin kung paano ligtas na maililikas ang mga Fulipino sa middle east partikular sa Iran at Iraq.
Una nang kinumpirma ni US President Donald Trumph na inutos niya ang operasyon para mapatay si Iranian senior military official General Qassem Soleimani na nasa Iraq nang magsagawa ng air assault ang US soldiers. REA SARMIENTO
Comments are closed.