OFWs SA IRAQ HININGAN NG P500K PARA MAKAUWI

DENR SEC ROY CIMATU

BAGHDAD – NAGKAKAROON ng pahirapan sa pagpapauwi sa mga overseas Filipino worker na nasa Iraq dahil hiningan sila ng kanilang mga employer ng $10,000 o nasa P500,000  kada isa.

Ayon kay special envoy to the Middle East Roy Cimatu na may mga recruiter ang nakatanggap aniya mula sa Iraqi employers ng nasabing halaga sakaling boluntar­yong uuwi ang OFW ay dapat na ibalik sa kanila ang ibinayad sa recruiter.

Sa kasalukuyan aniya ay mayroon ng 13 mga Filipino mula sa Iraq ang naibalik sa bansa kung saan siyam dito ay mula sa Baghdad habang apat dito ay mula sa Erbil.

Sa tulong aniya ng mga Iraqi Embassy ay nakauwi na rin ang mga Filipino.

Magugunitang nagpatupad ng mandatory repatriation ang gobyerno ng Fi­lipinas dahil sa tumitinding kaguluhan sa Iraq. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM