GAZA – WALANG overseas Filipino workers (OFWs) ang nadisgrasya sa missile attacks sa Israel.
Ayon sa ilang Pinoy na naroon, naglunsad ang militanteng grupo na Islamic Jihad na nakabase sa Gaza na teritoryo ng Palestine.
Ayon sa isang Filipino caregiver sa Sderot na lungsod sa Israel, kapitbahay nila ang isa sa mga tahanan na tinamaan ng mga hindi na-intercept na rocket.
Gayunman, walang napaulat na tinamaan dahil may bomb shelter o ligtas na kuwarto ang mga tahanan doon kung saan puwede silang magtago kung may missile attack.
Ipinagpapasalamat aniya nila na may iron dome ang Israel na agad nag-i-intercept sa mga rocket na inilulunsad ng kanilang mga kaaway.
Nasa 90-percent ng mga missile na inilunsad ng Gaza laban sa Southern Israel ang na-intercept ng mga missile ng estado bagamat may ilang tumama sa mga bahay at sa kalsada. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.