OFWs SA LEBANON LIGTAS KAHIT MAY KRISIS

Lebanon

PINAWI ng mga overseas Filipino worker na nasa Lebanon ang pangamba ng kanilang kaanak na nasa Filipinas.

Ayon sa isang OFW na naroon, walang dapat ipangamba sa kanila dahil nananatiling ligtas sila sa kabila ng lumalalang krisis at kaguluhan doon.

Sinabi ni Fely Avelido, 47-anyos, 15-taon ng nagtatrabaho sa Lebanon, maayos ang kanilang kalagayan at walang dapat ipag-alala sa kanilang seguridad.

Aniya, normal pa rin ang kanilang pamumuhay at hindi sila idinadamay ng mga nagpoprotesta.

Gayunpaman, nagpahayag na rin si Avelido ng kagustuhan nitong umuwi sa Filipinas dahil nagmahal na ang ­presyo ng mga pangunahing bilihin, wala na ring “dollar reserves” ang Lebanon at kung sakaling mayroon man, kailangan pang magpapalit sa mga “black market.”

Sinabi nito, ang isang US dollar  ay nagkakahalaga ng higit sa 1,500 na Le­banese lira o Lebanese pound.

Idinagdag nito, karamihan sa mga nakauwi na sa bansa na galing sa Lebanon ay mga senior citizen, OFWs na may anak at mga “undocumented.” PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.