PASAY CITY – PATULOY na nadaragdagan ang mga nais mag-avail ng libreng pauwi ng Filipinas sa mga overseas Filipino worker (OFW) sa Beirut, Lebanon.
Una nang napaulat na nagtungo sa embahada ng Filipinas ang daan-daang OFWs para samantalahin ang free repatriation.
Karamihan sa nais umuwi ay mga domestic helper.
Ikinatuwiran ng mga ito na mahirap na ang kanilang buhay sa Lebanon dahil sa krisis sa ekonomiya.
Samantala, nanawagan ang embahada na hanggang Pebrero 2020 lamang ang libreng pagpapauwi kaya dapat ay mag-apply na ang mga nais mag-avail nito. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.