HINIHIKAYAT ng Malakanyang ang mga overseas Filipino workers sa Lebanon na umuwi na ng bansa.
Pahayag ito ng Palasyo matapos ang pagsabog sa Beirut kung saan kabilang ang dalawang Filipino sa mahigit 100 kataong namatay bunsod ng malagim na insidente.
“I believe the Department of Foreign Affais (DFA) will intensify our efforts to bring home our kababayan in that war-torn area,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa kanyang interview sa CNN Philippines.
Ayon kay Roque, may nakahanda nang ayuda ang pamahalaang Filipinas sa sinumang Filipino kung nanaisin na bumalik na ng bansa.
Sinabi pa ni Roque na ang Lebanon ay itinuturing na war-torn country kung kaya’t mismong ang DFA at nagpalabas na serye ng mga advisories kontra sa pagtatrabaho sa nabanggit na bansa.
Base sa tinanggap na ulat ng DFA sa pamamagitan ng Philippine Embassy sa Beirut, ang napakalakas na pagsabog ay naganap sa Port of Beirut kamakalawa ng gabi at nagdulot ng pagkawasak sa malaking bahagi ng lungsod.
“Per latest reports from the Philippine Embassy two Filipinos have been reported killed and 8 injured. All were in their employers homes during the explosion,” sabi ni DFA Assistant Secretary Eduardo Meñez. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.