MACAU – ILANG overseas Filipino workers (OFWs) ang nagpahiwatig na hirap silang makauwi sa Filipinas kahit lifted na ang travel ban sa nasabing bansa.
Ayon sa mga OFW na nais magbalik bansa, ito ay dahil walang available flight mula sa nasabing bansa pabalik sa Filipinas.
Una nang inalis ang travel ban ng Filipinas patungong Hong Kong at Macau bunsod ng kinatatakutang coronavirus disease (COVID-19).
Dahil sa COVID-19 scare, naapektuhan na ang mga OFW sa nasabing mga bansa partikular ang kawalan ng hanapbuhay kaya ninais ng mga ito na magbakasyon muna o umuwi sa Filipinas subalit nagkaroon ng travel ban.
Nang i-lift naman ang deployment ban ay pahirapan naman ang pag-uwi. EC
Comments are closed.