KASUNOD na rin ng hakbangin para pagbibigay tulong sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) dulot ng COVID 19 pandemic, kumilos na rin ang embahada sa Madrid hinggil sa undocumented Pinoy workers.
Layon nito na maayos na makabalik sa bansa ang mga naturang OFW para makasama ang kanilang pamilya.
Nabatid na may 997 OFWs na ang natulungang mapauwi sa tulong na rin ng Philippine Embassy sa Madrid
Kabilang dito si Salvacion ( hindi tunay na pangalan) na nawalan ng trabaho sa Madrid makaraang isailalim ng Spanish government sa State of Alarm ang bansa noong Marso 13 dahilan sa COVID-19 pandemic.
Nagpatupad ng lockdown ang Spanish government na kung saan hindi pinapayagan ang mga OFW na magtrabaho o magreport sa kanilang employer.
“The OFW was not allowed by her employer to report for work. Without any known relatives in Spain and not enough savings, she approached the Philippine Embassy to seek welfare assistance and discuss her possible repatriation.” ayon sa embahada
Tinulungan ng airport teams ng Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs (OUMWA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) si Salvacion para makauwi ng Filipinas.
Sumailalim ito sa COVID-19 test at negatibo naman ang naging resulta kung kaya’t nakauwi ang nasabing OFW sa kanyang pamilya.
Nito lamang Setyembre , may kabuuang 165,000 overseas filipino workers ang nakauwi na sa kani -kanilang pamilya. LIZA SORIANO
Comments are closed.