OFWs SA MIDDLE EAST ABALA SA ‘PAGPAPADALA’ SA FILIPINAS

Middle east

SAUDI ARABIA – DUMAMI ang mga Filipino na namimili sa Batha na tinaguriang Little Quiapo sa Riyadh.

Bagaman kaunti lang ang Roman Catholic doon, angat pa rin sa mga overseas Filipino worker ang kaugalian na tuwing Pasko ay may maipapadala sa mga mahal sa buhay.

Naging kapansin-pansin ang pagdagsa ng mga OFW sa mga shopping center na namimili kaya naman masaya ang mga negosyante roon.

Habang ang mga remittance center ay masigla na rin sa rami ng mga nagpapadala ng pera pauwi sa Filipinas.

Kasabay naman nito ay ang mataas na remittance na maitatala sa bansa.

Isa si Raquel tubong Lanao del Norte sa maraming ipinadadala sa Filipinas para sa kanyang tatlong anak.

Aniya, bagaman malayo siya sa kanyang mga anak ay maipadadama niya ang kanyang pag-mamahal sa pamamagitan ng padalang regalo. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM