OFWs SA QATAR TUMULONG NA RIN SA TAAL EVACUEES

Doha Qatar

DOHA – NAG-AMBAG na rin ang mga overseas Filipino worker sa ­Qatar para tulungan ang mga eva­cuee sa pagputok ng Taal Volcano sa Batangas.

Sa mensaheng ipinadala ni Erica Moreno-Tan, Medical Specialist, sa isang Pharmaceutical Corporation, sinabi nito na itinipon na nila sa Le Park Hotel sa Doha ang mga nalikom na relief goods para ibalot at maipadala rito sa Filipinas.

Maraming kababayan umano ang nagbigay ng donasyon, gaya ng mga damit, gamot, at pagkain.

Ayon kay Tan, kahit malayo sila sa bansa ay hangad din nilang makatulong sa mga biktima ng Taal eruption. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

One thought on “OFWs SA QATAR TUMULONG NA RIN SA TAAL EVACUEES”

Comments are closed.