OFWs SA RUSSIA PINAG-IINGAT VS KARAHASAN

russia

MOSCOW – NAGBABALA si ­Philippine Ambassador to Russia Carlos Sorreta sa mga Filipino lalo na sa mga manggagawa na mag-ingat laban sa magkakasunod na bomb threat sa mga establisimiyento.

Sinabi nito na ang nasabing abiso aniya ay mula sa Russian Federation.

Ilan sa mga nakatanggap ng bomb threat ay ang mga public transport, shopping mall, korte at iba pang mga lugar.

Kahit aniya na ito ay peke ay mas mabuti aniya na maging maingat na lamang ang mga Filipino. EUNICE C.

Comments are closed.