NABABAHALA ang mga overseas Filipino worker (OFW) sa Singapore dahil sa smog na dulot ng forest fire sa Indonesia na umabot na rin sa Malaysia.
Base ulat, sinasabing ilang araw nang nababalot ng smog ang buong Singapore na kung saan ay kailangan ng magsuot ng mask tuwing lumalabas dahil masakit sa ilong ang nalalanghap na hangin.
Gayundin, nakakatuyo at mahapdi sa mata ang smog kaya marami na rin ang bumibili at gumagamit ng eyedrops.
Napag-alaman pa na bumaba sa “unhealthy” level ang kalidad ng hangin sa Singapore na sa unang pagkakataon sa loob ng tatlong taon dahil sa forest fire sa Indonesia.
Base sa 24-hour Pollution Standards Index na ginagamit ng National Environment Agency ng Singapore bilang benchmark, nasa 100 na ito at maituturing na masama sa kalusugan.