OFWs SA SINGAPORE NANGANGAMBA SA PLANONG BAKASYON SA PHL

SINGAPORE

BENGUET – NAGDADALAWANG-ISIP ang mga overseas Filipino worker (OFWs) na nakabase ngayon sa Singapore  kung itutuloy ang kanilang pagbakasyon sa Filipinas sa Marso.

Ito ay dahil sa lumalawak na takot laban sa 2019 novel coronavirus (nCoV).

Isan OFW mula sa mula Kibungan, Benguet, ang nagsabi na nasa “Orange Alert Level” na sa Singapore.

Ipnagdarasal nila na huwang nang umabot pa sa Red Alert na pinakamataas na lebel, kung saan wala nang mapapayagang magbiyahe.

Sa ngayon ay marami sa mga Pinoy worker sa Singapore ang nananatili na lamang sa loob ng bahay ng kanilang amo para makaiwas sa virus.

Inihayag niyang malala na rin ang panic buying doon dahil maging ang mga malalaking supermarket ay nauubusan na ng suplay ng mga basic needs kahit tiniyak ng pamahaalan na sapat ang suplay ng mga pagkain doon. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.