OFWs SA SUDAN PINAIIWAS MAKISAWSAW SA USAPING POLITIKAL

SUNDAN

PASAY CITY – PINAYUHAN ng mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga overseas Filipino worker (OFW) na nakabase sa Sudan na huwag basta sumama sa usapang politikal upang hindi mapahamak.

Kasunod ito ng pagbitiw sa puwesto ng dalawang presidente sa nasabing bansa sa loob lamang ng dalawang araw.

Una nang ikinagalit ng mga Sudanese ang anunsiyo rin ni Military Council Chief General Awad Ibn Ouf na magbibitiw na ito sa kanyang posisyon.

Noong Huwebes lamang ay sumumpa ito sa pagiging pinuno ng ruling military council bilang kapalit ni Omar al-Bashir na una ng pinatalsik dahil sa sunod-sunod nitong protesta.

Bago mabitiw, itinalaga ni Ibn Ouf si Lieutenant General Abdel Fattah al-Burhan na bagong pinuno na naging sanhi ng kagalakan sa nakararami.

Samantala, ilang miyembro naman ng paramilitary group ang nagbanta kay Burhan na kaselahin ang suspensiyon ng konstitusyon at tuluyan nang itigil ang state of emergency at night-time curfew.  GELO BAIÑO

 

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *