OFWS SA SWEDEN BINALAAN VS FOREST FIRE

FOREST FIRE

SWEDEN – MAHIGPIT ang bilin ng konsulada ng Filipinas sa mga Pinoy na nakabase sa bansang ito bunsod ng pagtama ng forest fire.

Sa ulat, 100 katao ang pinalikas dahil sa naganap na kalamidad.

Pawang mga residente ng Jämtland, Västerbotten, Gävleborg at Dalarna counties ang pina­yuhang lumikas.

Nakipagtulungan na rin ang Red Cross sa Swedish Civil Contingencies Agency para sa pagbibigay-tulong sa mga naapektuhang residente.

Inaasahan kasi na mas lalawak pa ang nagaganap na forest fires dahil sa mataas na temperatura sa lugar.

Sinabi ni Thomas Aronsson, chief of operations ng SITS at isang firefighting specialist sa Sweden, na mayroong mahigit na 80 sunog na ang kanilang naitala.

Comments are closed.