TAIPEI – NAGPAHAYAG na ng pangamba ang ilang overseas Filipino worker (OFW) sa Taiwan hinggil sa kanilang employment status bunsod ng ipinatupad na travel ban na may kaugnayan sa paglaganap ng COVID-19.
Sinasabing marami nang OFW ang nalilito at hindi alam ang gagawin lalo pa’t plano sana nilang magbakasyon sa susunod na buwan dahil sa pagtatapos ng kanilang mga anak.
Kasabay nito ay iminungkahi ng ilang kababayang Pinoy roon na sana ay pag-aralan umanong maigi ng pamahalaan ang pagpapatupad ng travel ban dahil maraming maaapektuhan, hindi lamang silang mga Pinoy na nasa Taiwan ngunit pati na ang mga balik-manggagawa at newly hired workers.
Sa ngayon, tiniyak nito na maayos ang kanilang kalagayan sa nasabing bansa at walang dapat na ipag-alala sa kanilang kalusugan. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.