OFWs SABIK NA KAY POPE

POPE FRANCIS

INAABANGAN na ng mga Filipino na nasa Middle East ang pagdating ni Pope Francis sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.

Sa Martes nakatakdang dumating ang Santo Papa sa nasabing lugar   para sa tatlong araw  na Papal visit sa Arabian Peninsula kung saan umusbong ang relihiyong Islam.

Ang Santo Papa ay lalahok sa isang interfaith conference at makikipagpulong kay Sheikh Ahmed el-Tayeb, ang imam ng Al-Azhar, isang mosque sa Cairo, Egypt.

Pinayagan naman ang mga overseas Filipino worker  na lumiban sa kanilang trabaho para dumalo sa banal na misa ni Pope Francis.

Magsisilbing lay minister sa misa ang Dubai-based Filipino  na si Jimmy Monreal na sumailalim  kamakailan sa kidney trans-plant.

Inaasahang dadalo  ang may 135,000 katao sa Misa ng Santo Papa. AIMEE ANOC

Comments are closed.