OFWs TAMPOK SA BAGONG P5 COIN

IBINAHAGI ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang 5-Piso Bagong Bayani Commemorative Coin nito, tampok ang overseas Filipino workers (OFW) na itinuturing na mga bagong bayani ng bansa.

Ito ay bilang pakikiisa ng BSP sa paggunita sa National Heroes’ Day.

Ayon sa BSP, makikita sa harap ng barya ang walong mukha na kumakatawan sa mga manggagawang nangibang bansa, at ang pangalan ng mga bansang may pinakamaraming OFWs.

Sa likod ng barya ay makikita ang karaniwang larawan ng isang pamilya na sama-sama sa paghatid sa kanilang mahal sa buhay patungo sa ibang bansa upang maghanapbuhay.

Unang inilunsad ang nasabing commemorative coin noong 2014.

Ayon sa BSP, sa mga nagnanais na mangolekta o bumili ng mga commemorative coins ay maaaring bumisita sa link na https://www.bsp.gov.ph/…/feed…/SitePages/BSPShop.aspx…

LIZA SORIANO