MAYNILA – POSITIBO ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magreresulta ng mabilis na komunikasyon sa mga overseas Filipino worker (OFWs) ang bago nilang apps (application)
Ang nasabing app ay para magkaroon ng madaling access ang mga OFW sa labor departments at sa mga Philippine Overseas Labor Offices (POLO) sa iba’t ibang bansa.
Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, na isa ito sa makabagong paraan para mabilis na makapagsumbong ang mga OFW na dumaranas ng pananakit.
Ilan sa mga feature nito ay ang ‘Wage calculator’ kung saan malalaman ng mga OFW kung magkano ang dapat nilang sahurin.
Ilulunsad ang nasabing app ngayong Disyembre kasabay ng ika-86 anibersaryo ng DOLE. EUNICE C.
Comments are closed.