ANG pelikula ni Ogie Alcasid na Kuya Wes ay kabilang sa selebrasyon ng Spring Films ng kanilang 10th year anniversary sa showbiz. Isang malaking achievement nga ito sa showbiz career ni Ogie at bongga pa dahil kabilang din ang movie niya sa magaganap na FantasPorto In-ternational Film Festival sa Porto, Portugal.
Aalis nga si Ogie kasama ang kanyang director na si James Robin Mayo para dumalo sa naturang international film festival on February 25.
Magmula nang pasukin ni Ogie ang showbiz ay hindi niya inisip na makakagawa siya ng isang pelikula na makakasali sa international film festival na hindi bilang isang comedian.
Seryoso ang movie pero may kurot ng katatawanan at drama ang pagkakaganap niya sa kanyang role, pati na sa mga situational scene nila ni Ina Raymundo bilang ka-partner sa movie.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na dadalo si Ogie sa isang film event abroad bilang delegate mula sa Filipinas.
Ayon nga kay Ogie nang makatsikahan ng press sa grand launching ng 10th year anniversary ng Spring Film at premiere night ng kanyang Kuya Wes sa UP Sine Adarna last Monday, mayroon pa raw pala isisipa ang kanyang showbiz career sa pelikula na kakaiba sa mga ginagawa niya noong kanyang kabataan.
Nagsanib nga sina Ogie at ng Spring Films para matapos at mabuo ang naturang project. More than P2-M nga raw ang kanyang isinosyo sa produc-tion para matapos lang ito. Pati nga raw ang kanyang talent fee ay iniambag na rin niya sa movie.
Hindi naman ikinaila ni Ogie na mahirap sa kanya na gumawa ng isang pelikula na gusto niya kaya siya na lang ang nag-produce katulong ang Spring Films na pag-aari nga nina Piolo Pascual, Erikson Raymundo at Direk Joyce Bernal.
Ang Kuya Wes ay isa sa mga naging top box office hit sa Cinemalaya Film Festival last year.
SUPER TEKLA SUPER IYAK NANG MAKITA ANG ANAK SA ISANG SHOW SA ILOILO
MARAMI ang naiyak sa pagkikita ng mag-amang Super Tekla at anak na si Airah sa Iloilo.
Nagkataon kasi sa Iloilo ginanap ang show nina Christian Bautista at Julie Anne San Jose na The Sweetheart and the Balladeer na kung saan kasama rin si Tekla at sina Donita nose, The Clash champion na si Golden Canedo sa show.
Hindi na napigilan ni Tekla ang maiyak nang makita at mayakap ang anak na matagal na niyang hindi nakikita. Aminado naman si Tekla na kapag ang kanyang anak na ang napag-uusapan ay hindi puwedeng hindi siya iiyak.
“Napakasaya ko kasi for how many years, ngayon ko lang ulit siya nakatabi pagtulog.Yakap ko siya habang nanonood kami ng mga video ko sa YouTube. Paggising ko, yakap ko kaagad siya.
“Ang sarap ng feeling pero ang bigat nung nagpapaalam na kami. Siya babalik na ng Bacolod, kami Maynila na. Pero isang taon na lang maka-kasama ko na siya. Dito na sa Maynila siya mag-aaral.
“Babawi ako! ‘Yun naman lagi ko sinasabi sa kanya. Mahal na mahal ko anak ko. She`s my angel,” say ni Tekla na masaya rin dahil sa mataas ang rating ng pilot episode ng kanilang show ni Boobay na The Boobay And Tekla Show sa GMA 7, every Sunday evening katapat ng Sunday show ni Vice Ganda sa ABS-CBN.