SA kanyang Twitter account ay hinamon ni Ogie Alcasid ang commentator na si Ben Tulfo dahil binanatan umano ng huli ang wife ng actor/composer/comedian.
Nagsimula ito sa matapang na pahayag ni Regine Velasquez-Alcasid sa sinabi ni DFA Secretary Teddy Boy Loscin, Jr. kaugnay sa nagaganap sa West Philippine Sea (WPS).
Dahil dito, ay binanatan ang Songbird. Naging tugon naman ni Regine ay, “Hindi po ako sumasali may malasakit lang po ako sa bansa natin. I have nothing against anyone. I just want my son to enjoy this beautiful country.”
“Nagbigay ng reaksyon si Ben Tulfo quoting Regine:, “Regine V to DFA Sec.Teddy: Akala ko ba matalino ka??? BITAG to Regine V: Wow, mas matalino ka?”
Ang tweet naman ni Ogie kay Ben: “Sir @bitagbentulfo: I offer my cheek to you. After you maligned my wife, I ask that you focus on me. She is after all a lady. God bless you, sir.”
Wala pang sagot si Ben sa naging hamon sa kanya ni Ogie. Sure na sasagot din ito at hindi kami magugulat na hindi na ito aabot pa sa hindi magandang sitwasyon. Sigurado kami na magkakaayos din ang dalawang panig.
Maaaring misunderstanding lang ito. At kailangan lang na magkausap ang dalawang panig para maging malinaw ang lahat.
Knowing both sides, hindi nila gugustuhin na magkainitan dahil kapwa sila Pinoy na may pagmamahal sa ating bansa.
WILBERT TOLENTINO MAY KUTOB NA MAG-UUWI SI JANJEP CARLOS NG MR. GAY WORLD TITLE
MULING iniharap sa entertainment press ang tinanghal na Mr. Gay World Philippines 2019 na si Janjep Carlos. Sa The One 69- Entertainment Bar ginanap ang send off party/presscon para kay Janjep at buong pagmamalaki na ipinakilala ng Filipino-Chinese businessman at 2009 Mr. Gay World Philippines titlist Mr. Wilbert Tolentino na siya ring owner ng nasabing bar na mata-tagpuan sa Roces Avenue, Quezon City.
Bago ang pagharap at pagbibigay-pugay ni Janjep sa press ay nagsalita muna si Sir Wilbert sa kanyang naging experience na ayaw sana niyang maulit muli.
Bago naganap ang malakas na lindol ay nahulaan na ni Sir Wilbert ang magaganap na lindol sa Kamaynilaan. Hindi siya manghuhula pero naramdaman niya raw na magkakaroon ng lindol na intensity 5-7 ang lakas bago sumapit ang May 15.
Ngayon ay buong tapang din sinabi ni Sir Wilbert na may kutob siya or premonition na 3 sunod-sunod na taon magiging title holder ng Mr. Gay World ang ating magiging representative abroad.
Si Janjep ang ikalawang representative natin sa Mr Gay World 2019 na magaganap sa Cape Town, South Africa from April 28 to May 5, 2019.
Naniniwala si Sir Wilbert na kay Janjep ang lahat ng katangian para tanghaling Mr. Gay World 2019. At naniniwala rin siya sa kanyang premonition na tatlong sunod-sunod na taon mag-uuwi ng karangalan ang ating magiging representative sa Mr. Gay competition abroad.
Samantala, hindi itinanggi ni Janjep na pressure siya sa magaganap na competition sa South Africa dahil nga sa pagkapanalo ni John Raspado na siyang first Pinoy and the very first Asian to win the title as Mr. Gay World 2017.
Pero nangako siya na gagawin ang lahat ng kanyang pinaghirapan para maulit muli at mauwi niya ang titulo na ikalawang Pinoy na tatanghaling Mr Gay World 2019.
Ayon kay Janjep, kung si Catriona Gray ay may Lava Walk, siya raw ay mayroon din gagawing pagrampa na tinawag niyang, “Baklava Walk.”
Sa nagtatanong ay kung single pa rin si Janjep? Ang kaagad na sagot ng Mr. Gay World Philippines 2019 ay taken na siya at seven years na sila ng kanyang ka-partner.
Comments are closed.