MINADO ang magaling na singer-songwriter na si Ogie Alcasid na malaki ang ginawa niyang adjustment nang pumayag siyang gawin ang “Kuya Wes” para sa Cinemalaya 2018.
“At first, medyo nag-adjust. Pero, naniniwala naman kasi ako na ang audience natin ngayon they want something different. I think they wanna be surprised. Anything that is expected to them, I guess, is boring, that’s why, it’s a challenge for me,” aniya.
“Kami namang mga komedyante, madrama rin naman kami sa tunay na buhay. I love it when I read a script like this. It was funny but it was also very sad. Noong nabasa ko nga iyong iskrip, sabi ko, hindi ko puwedeng palampasin ito, so ginawa ko. It’s also a new opportunity for me as a per-former, as an actor and as a newbie producer, that ‘s why I’m very excited,” dagdag niya.
Ito rin daw ang unang pelikula niyang lalabas siya sa kanyang comfort zone.
“Actually medyo nanibago lang pero hindi naman naalangan. May mga nakapanood na. I asked them for the feedbacks, naaawa raw sila sa character ko and that’s what we really wanted. I wanted to play a character that is normal, that is human. A lot of the characters I played before were just sketches like when I was “Boy Pick Up” and when I did Angelina. These are just sketches of characters from a comedic stand. I wanted to play something tangi-ble where the audience would really say na “O, ako iyan, ah”, pahayag niya.
Hindi rin daw siya sumali sa Cinemalaya dahil gusto niyang magka-award.
“Ayokong mag-isip nang ganoon. Basta sa team namin, we did our very best,” ani Ogie. “Sabi ko nga kay Direk, hindi ako si Ogie, artista mo lang ako rito. Puwede mo akong pakialaman kung hindi ka happy sa performance ko. Okay lang na umulit o ma-take two, take three o take four,” pahabol niya.
Malayo rin daw sa totoong buhay ang role niya dahil masayahing tao siya.
“I can’t relate to the character. I’m a very happy person. When I was young, I would like to do characters like Forest Gump but I’ve never been giv-en the opportunity to do so. Kuya Wes is funny. The situations and the way it was directed were funny. He’s not even a superhero. There’s nothing special about him except his heart,” pagwawakas niya.
Si Ogie ay mas nakilala bilang komedyante dahil na rin sa ganitong genre siya nalinya, lalo pa’t naging bahagi siya ng Kapuso longest running gag show na “Bubble Gang” at ngayon naman ay sa “Home, Sweetie, Home” ng Kapamilya network.
Bukod pa riyan, isang sitcom din ang napababalitang pagsasamahan nila ng kanyang sweetheart na si Regine Velasquez sa Dos.
Ginagampanan ni Ogie ang title role sa Kuya Wes bilang isang empleyado sa isang remittance center na boring ang buhay. Magkakaroon ito ng panibagong kulay at inspirasyon nang makilala niya ang isang babaeng kumukubra ng padala ng kanyang asawang OFW.
Mula sa Spring Films at sa direksiyon ni James Mayo (The Chanters), kasama rin sa pelikula sina Ina Raymundo, Moi Bien, Alex Medina at Karen Gaerlan na malapit nang magkaroon ng theatrical release sa mga piling sinehan.
PINOY ROCK ICON PEPE SMITH NALAGUTAN NG HININGA HABANG NASA GIG
AYON sa mga report, nahirapang huminga at inatake ang tinaguriang Pinoy rock icon na si Pepe Smith habang nagpe-perform sa isang gig na nag-ing sanhi ng pagpanaw ng “Father of Pinoy rock and roll” sa edad na 71.
Matatandaang noong 2017, nagkaroon ng stroke si Pepe at nagkaroon siya ng speech impediment.
Si Pepe ay orihinal na miyembro ng Pinoy rock band na Juan dela Cruz kung saan nakasama niya sina Mike Hanopol at Wally Gonzales. Sila ang nagpasikat ng mga awiting “Beep Beep”, “Balong Malalim”, “Titser’s Enemy No. 1”, “No Touch” at “Kahit Anong Mangyari”.
Isa ring magaling na actor si Pepe na nakilala sa mga acclaimed Pinoy films na “Above The Cloud’ ni Pepe Diokno” at “Singing in Graveyards” ng Malaysian director na si Bradley Liew.
Comments are closed.