TARLAC – ARESTADO ng pinagsanib na puwersa ng Provincial Intelligence Branch, Tarlac-PNP at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang opisyal ng Land Transportation Office (LTO) na kabilang sa high-value target (HVT) ng Tarlac Provincial Police Office.
Sa report na ipinadala ni PNP Provincial Director, Sr. Supt. Richie Posadas kay PNP Regional Director Chief Supt. Amador Corpus, kinilala ang nadakip na si Rogel Yambao y Galang, 59-anyos ng Brgy. San Roque, OIC-LTO District Officer sa nabanggit na lalawigan.
Sa imbestigasyon ni Supt. Luis Ventura, dinakip si Yambao, alas- 10:20 ng umaga sa bisa ng search warrant na inilabas ni Executive Judge Lily de Vera -Vallo ng Regional Trail Court Branch 64 sa kasong paglabag sa Republic Act 9165.
Nakuha mula sa tahanan ng suspek ang 9 na maliliit na plastic sachet ng shabu, isang hand granade at 17 bala ng cal.45 na baril. T. ARCENAL
Comments are closed.