OIL COMPANIES INA-NUNSIYO ANG ROLLBACK SA PRESYO NG PETROLYO

PETROLYO

MULING sasalubungin ang mga motorista ng isa pang round ng bagsak-presyo ng petrolyo dahil inanunsiyo ng mga kompanya ng langis ang bigtime rollback na magi­ging epektibo ngayong araw.

Nag-abiso ang independent oil players Uni­oil at Clean fuel na magtatapyas sila ng presyo ng gasolina ng P2 kada litro, at diesel ng P0.90 kada litro. Magiging epektibo ang adjustment ng alas-6 ng umaga ngayong araw ng Linggo, October 21.

Samantala, sinabi ng major players na Pilipinas Shell, Petron Corp, at PTT Philippines na magbabawas sila ng presyo ng gasolina ng P1.85 kada litro, diesel ng P0.90 kada litro simula ng alas-6 ng umaga sa Lunes, October 22.

Magro-rollback naman ang Petron ng pres­yo ng kerosene ng P.90 kada litro, habang ang Shell ay magbabawal ng kanilang presyo ng kerosene ng P0.95 kada litro.

“Price adjustments reflect movements in the international oil market,” pahayag ng Petron.

Isinagawa ng Phoenix Petroleum at Petro Gazz ang rollback sa presyo ng petrolyo noong Sabado ng umaga sa kanilang diesel at gasolina.

Nauna ang anunsiyo ng mga kompanya ng langis ng kanilang price adjustments na dating isinasagawa tuwing Martes ng bawat linggo.