HANDA na ang pagpupulong para buhaying muli ang oil at gas exploration ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.
Ayon sa pahayag ng Department of Foreign Affairs, gagawin ang preparatory talks sa Beijing sa buwan ng Mayo.
Tatalakayin sa pagpupulong ang mga parameters at terms of reference.
Matatandaang napagkasunduan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Chinese President Xi Jinping ang pagbuhay muli sa oil at gas exploration nang magsagawa ng state visit ang Pangulo sa China noong Enero.
Noong panahon ng kampanya sa presidential elections ay nagpahayag din si Marcos ng pagpayag sa joint oil exploration sa China sa WPS. PMRT