OIL FIRMS MAY TAPYAS-PRESYO SIMULA NGAYONG ARAW

Oil Firm

NAG-ANUNSIYO ang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng bawas-presyo sa kanilang mga produktong petrolyo ngayong linggo.

Unang nagpatupad ang Cleanfuel nitong umaga ng Lunes ng P0.40 na bawas sa pres­yo ng kada litro ng diesel at P0.30 bawas sa kada litro ng gasolina.

Simula naman sa Martes, Enero 28, magpapatupad ang Petro Gazz, Seaoil, Shell, PTT Philippines, Phoenix Petroleum, Total, at Petron ng P0.40 bawas sa kada litro ng diesel, at P0.30 bawas sa kada litro ng gasolina.

Matatapyasan din ng Seaoil, Shell, at Petron ang presyo ng kada litro ng kerosene ng P0.35.

MALAKING ROLLBACK SA LPG INAASAHAN

Samantala, inaasahan din sa Pebrero ang malakihang rollback sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG).

Naglalaro sa lagpas P4 hanggang P6 kada kilo o P44 hanggang P66 kada regular na tangke ang inaasahang bawas.

Comments are closed.