NAG-ABISO na ang ilang kompanya ng langis na magkakaroon ng bawas-presyo sa kanilang mga produkto simula ngayong Martes, Setyembre 3.
Nasa P0.10 bawas sa kada litro ng gasolina at diesel ang ipatutupad ng Total, Caltex, Phoenix Petroleum, Petro Gazz, at Shell.
Magpapatupad din ang Caltex ng P0.15 bawas sa kada litro ng kerosene.
Magiging epektibo ang mga bagong presyo simula alas-6 ng umaga ngayong araw maliban sa Caltex na magpapatupad alas-12:01 ng hatinggabi.
Nauna nang magpatupad nitong Lunes ang Seaoil ng P0.10 bawas sa kada litro ng gasolina at diesel, at P0.15 bawas sa kada litro ng kerosene.
Nagpatupad naman noong Linggo ang Cleanfuel ng P0.20 bawas sa kada litro ng diesel at P0.10 bawas sa kada litro ng gasolina.
Comments are closed.