OIL FIRMS NAGTAASAN NG PRESYO NG GASOLINA

gasolina

MAGKAKASABAY na nagsunuran ang iba pang kompanya ng langis sa pag-anunsiyo ng kanilang taas-presyo sa mga produktong petrolyo.

Una nang nag-abiso ang Chevron Philippines Inc. (Caltex) at Petro Gazz kung saan nasa 50 sentimos ang dagdag sa kada litro ng gasolina habang 75 sentimos naman sa kada litro ng diesel.

Napag-alamang mayroong 50 sentimos na taas-presyo sa kada litro ng kerosene ang Caltex.

Subalit ang Shell ay magpapatupad ng 60 sentimos na dagdag sa kada litro ng diesel, 35 sentimos sa kada litro ng gasolina at 45 sentimos naman sa kada litro ng kerosene o gaas.

Epektibo ang oil price adjustment sa Caltex na nagsimula ngayong araw ng Martes (pagpatak ng alas-12:01), habang ngayong alas-6:00 naman ng Martes ng umaga sa Shell at Petro Gazz. BENEDICT ABAYGAR, JR.