OIL JOINT EXPLORATION NG PH AT ISRAELI FIRM TULOY NA SA 2019

Presidential spokesman Salvador Panelo

MAGSISIMULA na sa susunod na taon ang oil joint exploration ng Filipinas at Israeli firm sa Palawan.

Ito ang inihayag ni Presidential spokesman Salvador Panelo na kung saan 60-40 ang magiging hatian, 60 porsiyento ang share ng Filipinas habang 40 porsiyento naman ang sa Israel-ratio petroleum company.

Umaasa si Panelo na dahil sa joint exploration, makakukuha ng langis ang Fi­lipinas at hindi na aasa sa suplay sa Middle East country at iba pang bansa.

Sa ilalim ng kontrata, pitong taon na gagawin ang exploration sa may 416,000 ektaryang lupain sa Palawan.

Gayunpaman, hindi inihayag ni Panelo kung anong buwan sa susunod na taon sisimulan ang naturang joint exploration.

Comments are closed.