OIL PLAYERS AT SPEAKER ROMUALDEZ MAGPUPULONG NA SA LUNES NG HAPON

“We will try to find a win-win solution for our people and of course those in the oil industry”.

Ito raw ang pag-uusapan bukas, September 18, 2023 ng hapon sa meeting ng oil players at si Speaker Ferdinand Martin Romualdez kasama ang House Committee on Energy sa Batasang Pambansa Complex.

Ayon sa lider ng Kongreso, “hirap na ang lahat dahil sa taas ng presyo ng bilihin dulot ng mga oil price hike pero dikta kasi din yan ng pandaigdigang kalakalan o world market”.

“Gusto natin na malaman kung anong suhestiyon nila (oil players) para maibsan kahit papaano itong paghihirap ng mga kababayan natin dahil sa taas presyo lagi ng petrolyo”, ani Romualdez.

Dagdag pa ng mambabatas mula Leyte, “on our part in the government we can compromise… siguro what we can initially offer is a review ng excise tax or value added tax”.

“Siguro i-suspend muna ang excise tax or VAT kung kinakailangan na talaga or kung ano ang plano ng Palasyo base on our reporr after this meeting”, dagdag pa ni Romualdez.

Samantala, pinaplano na rin ni Speaker Romualdez na kausapin ang mga canned goods and basic food manufacturers, pati na ang supermarket association matapos magpahiwatig ang mga nasabing grupo na magtataas ng presyo ng kanilang produkto.

“We will try to convince them if pwede palipasin muna ang Pasko bago sila magtaas ng presyo in the spirit of Christmas”, ayon pa sa Speaker.

“Batid din naman natin na hirap din sila dahil sa mataas na presyo ng mga raw materials… pero baka magawan muna nila ng paraan until Christmas”, dagdag pa ni Romualdez.

Pahabol pa ni Romualdez, “the government is doing its best to alleviate the suffering of our people pero itong nararanasan natin ay world crisis”.

“Kaya nga nakaabang ang iba’t ibang ahensya para magbigay ng mga ayuda dahil ramdam din ng gobyerno ang nadarama ng taumbayan ngayon”, ayon pa sa mambabatas.