OIL PRICE HIKE AYAW PAAWAT: P1.25/L SA GASOLINA, P1.10/L SA DIESEL

OIL PRICE HIKE

MULING sasalubungin ang mga motorista ng malaki- hang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo.

Sa magkahiwalay na abiso, sinabi ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at SEA­OIL Philippines Inc. na may dagdag sila na P1.25 sa presyo ng kada litro ng gasolina, P1.10 sa diesel at P0.75 sa kerosene.

Magpapatupad ang Petro Gazz ng katulad na adjustments, maliban sa kerosene na hindi nila iniaalok.

Hindi pa kasama sa taas-presyo ang 10% na dagdag na buwis sa  imported crude oil at refined petroleum products na ipinataw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalilm ng Executive Order 113 na kanyang nilagdaan noong Mayo 2.

Ang price hike ay epekitibo ngayong alas-6:00 ng umaga.

Sa datos ng Department of Energy (DOE), ang year to date adjustments ay may net decrease na P9.72 kada litro para sa gasolina, P12.19 sa  diesel, at P15.64 sa kerosene hanggang noong Hunyo 2, 2020.

Comments are closed.